TESDA Bread And Pastry Production NC II Scholarship (Free Training, Assessment, Insurance & Allowance)

Gusto mo bang mag-aral ng TESDA Bread and Pastry Production NC II at makatanggap ng National Certificate (NC)?

Good news! Alam mo bang ang tanggapan ni Congressman Edwin L. Olivarez sa pakikipag ugnayan ng SAV 1 Skills Training and Development Center Inc., Talent Bridge Inc. at TESDA-MunTaParLas ay nagbibigay ng TESDA Scholarship tulad ng Bread and Pastry Production NC II?

Ang scholarship program na ito ay under ng TESDA Tulong Trabaho Scholarship Program (TTSP) na may libreng training, assessment, insurance at allowance.

Ang Bread & Pastry Production NC II training ay magtatagal ng 18 days, 14 days online at 4 days na face-to-face learning.

Note: Ang scholarship program na ito ay para lang sa mga taga-Parañaque.

Ang mga benepisyo para sa mga training na ito ay:

  • Free Training
  • Free Assessment
  • Training Support Allowance
  • New Normal Allowance
  • Uniform Allowance
  • 1 year Accident Insurance (GSIS)

Requirements:
  • Must be 16-65 years old
  • Walang trabaho
  • Walang pinapasukan na anumang school
  • 3 pcs. PASSPORT size ID picture (white background, with collar, with name tag)
  • NSO/PSA birth certificate (photocopy)
  • Photocopy of Marriage Certificate (If Married)
  • Photocopy of High school or College diploma or Form 137
Para sa mga interesado, maaring magpunta sa tanggapan ni Congressman Edwin L. Olivarez na matatagpuan sa 2nd Floor ng Parañaque City Hall at siguruhing dala ang mga requirements at magpakita ng VALID ID NA MAY ADDRESS NA PARAÑAQUE upang mapatunayan na kayo ay lehitimong Parañaqueño dahil ang programang ito ay para lamang sa mga taga Lungsod ng Parañaque.

Maari din po kayong magtungo sa kanilang tanggapan na matatagpuan sa Room 316, 3rd Floor ng Legislative Building ng ating City Hall o tumawag sa 8478-5690 para kayo ay aming maasistehan.