TESDA Cookery NC II - Free Training under TWSP

Nais mo bang maging scholar sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)?

Alam mo bang may inaalok na scholarship training program ngayon ang TESDA-SICAT para sa vocational short course na TESDA Cookery NC II?

May babayaran ba sa training?

Wala! Ang training na ito ay under ng TESDA Training for Work Scholarship Program (TWSP). Bukod sa libreng tuition fee, libre din ang Competency Assessment para sa National Certificate at magkakaroon pa ng Php160 daily allowance ang mga scholar.

Saan gaganapin ang training?

Ang venue para sa free training na ito ay sa TESDA Southern Isabela College of Arts and Trades (SICAT).
Address: Brgy. Calaocan, City of Santiago, Isabela

Related: FREE Online Courses of TESDA

Ano ang mga requirements para maka-enroll?

  • Must be a resident of District IV of Isabela
  • Must be 18 years old and above
  • High School Report Card/ Diploma or College OTR
  • Barangay Clearance
  • Medical Certificate
  • Chest X-ray Result
  • PSA Birth Certificate
  • 2 pcs. 2x2 and 3 pcs. 1x1 ID pictures (white background, corporate attire)

Paano mag-enroll?

Para sa mga interesado sa TESDA Cookery NC II scholarship program na ito, idala ang mga requirements sa Registrar's office ng SICAT.
Address: Brgy. Calaocan, City of Santiago, Isabela
Contact Number: 0939 908 8679
Email: sicat@tesda.gov.ph