Gusto mo bang mag-aral ng Driving NC II sa TESDA, upang maging isang professional driver at magkaroon ng TESDA National Certificate?
Good news! Ang PESO Pozorrubio, sa pakikipagtulungan ng Technical Education And Skills Development Authority (TESDA), ay tumatanggap ngayon ng mga scholars para sa kursong Driving NC II.
Ang scholarship program na ito ay may libreng training, competency assessment at Php160 daily allowance.
Sino ang pwedeng mag-apply sa TESDA Scholarship na ito?
- 18 years old and above
- At least High School Graduate
- With at least one student permit
- And a resident of Pozorrubio
Para sa mga gustong mag-enroll, bumisita lang sa PESO Pozorrubio office na matatagpuan sa 2nd floor, Municipal Hall Pozorrubio, Pangasinan.
Ito ay first come-first serve dahil 25 slots lang ang available.