TESDA Driving NC II Free Training & Assessment


 Gusto mo bang mag-aral ng Driving NC II sa TESDA ng libre?

Magandang balita! Ang Mina Skills Training and Assessment Academy Inc., katuwang ang TESDA, ay tumatanggap ngayon ng mga scholars para sa kursong TESDA Driving NC II.

Ang scholarship program na ito ay under ng TESDA Training for Work Scholarship Program (TWSP) na may free Training at Assessment.

Requirements?

  • At least 18 years old and above
  • Birth Certificate

Paano mag-enroll sa scholarship na ito?

Para sa mga interesado sa TESDA Driving NC II scholarship program na ito, tumawag o bumisita lang sa office ng Mina Skills Training and Assessment Academy Inc. na matatagpuan sa San Lorenzo St.,cor. San Patriocio St., Zone 1 (Poblacion), Villasis,Pangasinan.
Contact Numbers: 09560941962 / 09464669471

Ang Driving NC II ay isa sa mga short courses ng TESDA, ituturo dito kung paano ang tamang pagmamaneho at parking ng mga light motor vehicles under LTO Restiction codes 1 and 2. Ituturo din dito ang mga minor vehicle maintenance, obey traffic rules and regulations, at implement and Coordinate Accident-Emergency Procedures.

Ang mga scholar na magtatapos sa TESDA short course na ito ay competent na maging Professional Driver.