Good news! Patuloy pa ring tumatanggap ng mga applicant ang Pangasinan Polytechnic College - Center for Lifelong Learning (PPC-CeLL) para sa First batch ng mga scholar para sa kursong TESDA Electrical Installation and Maintenance NC II . Ang PPC-CeLL ay rehistrado bilang isang TESDA Technical Vocational Institution.
Mag-enroll na upang magkaroon ng skills and knowledge sa pag-install at pag-aayos ng mga electrical system sa mga kabahayan at sa mga commercial buildings.
Ang scholarship program na ito ay may libreng training, assessment, allowance at insurance.
Scholar benefits:
- Libreng pagsasanay (kabilang ang mga kagamitan at materyales)
- Libreng Assessment Fee
- Student Allowance, uniporme, at ang saklaw ng insurance para sa aksidente
- Karagdagang pagsasanay sa Personality Development, Customer Service, at Professionalism
- Akses sa Medical Assistance mula sa Provincial Government Community Hospitals
- Tulong sa post-training para sa Career Advancement mula sa Provincial Employment Services Office (PESO)
Qualifications:
- Atleast 18 years old and above
- High School Graduate o Senior High School, o ALS completer
- Able to communicate both orally and in writing
- Physically fit and mentally healthy
Requirements:
- High School, Senior High School Diploma or ALS Certificate
- Photocopy of PSA Birth Certificate
- Barangay Clearance
- Barangay Certificate of Indigency
- Medical Certificate
- 2 pcs 1x1 ID Picture
- 2 pcs passport size picture
Ang mga interesadong aplikante ay kailangang magpre-register gamit ang link na ito: https://forms.gle/GngcWGHc3xrmSSMr5
Ang Pangasinan Polytechnic College - Center for Lifelong Learning (PPC-CeLL) ay matatagpuan sa PPC Building, Narciso Ramos Sports and Civic Center Complex, Lingayen, Pangasinan.