Gusto mo bang maging scholar ng TESDA? May naghihintay sa inyong free training sa kursong Automotive Servicing (Engine Repair) NCII.
Ang TESDA course na ito ay makakatulong sa iyo sa paghahanap ng trabaho sa Pilipinas man o sa abroad at pwede ring magamit sa pagtatayo ng negosyo.
Ang Automotive Servicing (Engine Repair) NCII na ito ay tatagal ng 58 days na training. Ito ay limited slots lang at 25 lang na scholar ang kailangan.
Requirements
- At least 18 years old
- At least High School Graduate/10-year basic education completer/ALS passer
- Form 137 or 138
- Transcript of Records (TOR)
- Photocopy of PSA/NSO Birth Certificate
- 2 pcs. 1x1 ID picture with white background and collar shirt
Paano mag-enroll sa TESDA Free training na ito?
Para sa mga gustong mag-enroll sa free TESDA Automotive Servicing NC II
scholarship na ito, bumisita lang sa office ng Isabela School of Arts and
Trades (ISAT) na matatagpuan sa Calamagui 2nd, City of ILagan, Isabela.
Contact number: 0915-691-5294
Email: isat@tesda.gov.ph
Register online: bsrs.tesda.gov.ph